Saturday, November 26, 2016

Ang bakit ng ating buhay?

bakit nga ba ganito ang ating buhay?Ang buhay punong-puno ng Bakit,Bakit may maganda ?bakit may panget,Bakit may mayaman at bakit may mahirap .Ilan lamang yan sa bakit ng ating buhay,pero para sa akin kung may salitang bakit syempre may katapat yan na kasagutan,Katulad ng bakit may panget ,kung isa ka sa tinutukoy nito madali lang yan para maalis ka sa grupo ng mga panget,Gumawa ka ng paraan marami namang klase ng produkto na pwede kang gumanda or at least mabawasan ng kahit konti ang kapangitan mo,pero ang da best ay ang ugali mo kung panget ka na nga masama pa ugali abay garantisado dala-dala na nyan ang pagkatao mo,Ganito kasi yan e ,di ba mas maganda ka sa paningin ng tao kung mabuti kang tao mas ma recognize nila ang ugali mo kesa sa itsura mo,yung tipong kapag napag-usapan ang pangalan mo ang unang sasambitin nila ay "yang si ano ay naku napaka buti nyang tao o di ba mas ok kesa pag nabanggit ka sabihin agad ay "yung panget"Pero sa lahat ng bakit ng ating buhay ay ito ang pinaka importante sa lahat kung bakit may mahirap at bakit may mayaman,Simple lang yan ,Hindi lahat ng mayaman ay pinanganak na mayaman ,maraming mayaman na galing muna sa hirap bago yumaman .Kya kung pinanganak kang mahirap hindi mo kasalanan yun ang kasalanan ay pag namatay kang mahirap pa din kasi wala kang ginawa sa sarili mo .hinayaan mong talunin ka ng sistema ng buhay na pangarap lang ng iba ang natutupad at ang masama ang naging role mo sa buhay ay isa ka sa taga tupad ng pangarap ng iba tulad ng boss mo,,

No comments:

Post a Comment