Thursday, March 17, 2016

Ano ba gusto mo sa buhay?

minsan tinanong ko sarali ko ,ano ba talaga o papano ba mababago ang kasalukuyang buhay ko.Naalala ko noong bata pa ako ,mahirap lang kami kaya nangarap ako na sana paglaki ko 
maging maganda buhay ko para di maranasan ng mga magiging anak ang mga naranasan ko sa buhay.Bata palang ako naghahapbuhay na ako para lang may maitulong ako sa pamilya ko.mahirap
maging mahirap ,wala naman sigurong taong ayaw umasenso di ba?  lahat tayo may ambition at 
majority ng pangarap ng tao ay umasenso,tama,pero bakit ganun kahit magsumikap ka sa trabaho
mo,gawin mong araw ang gabi sa katatrabaho parehas din ang resulta ,hindi mo pa rin mapaganda
buhay mo,in short mahirap ka pa din,,di ba laging payo sa atin ng ating mga magulang na mag-aral
tayong mabuti ng maging maganda kinabukasan natin at tayoy umasenso,pero bakit may kilala tayo
hindi naman nakapag tapos sa pag aaral pero mas sila ang asensado,tingnan mo mga intsik hindi sila
nag-aaral para maging empleyado lahat ng intsik may negosyo.kaya umasenso.hindi ako agains sa
pagiging empleyado ,kasi ako naranasan ko 20 years ako sa trabaho ko pero di ko nagawang umasenso..syempre may pangarap ako at yun ding pangarap ng nakakarami ang umasenso.pero alam na alam ko na di ko makukuha yun sa trabaho ko,Parati kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang dapat kong gawin para umasenso,dito ko natuklasan na sa pag nenegosyo ang katuparan ng lahat ng mga pangarap ko,di ko naman sinasabing lahat ng nagnegosyo ay umasenso syempre mayroon ding bumabagsak,pero kung may pangarap ka ,may gusto kang marating,di ba gagawin mo ang lahat matupad lang ang gusto mo sa buhay,sinasabi ko po ito para mabuksan ang inyong mga mata ,gusto ko pong makita nyo rin ang nakita ko na lahat tayo ay may pag asa basta ginawa natin,tinarbaho natin,sigurado may resulta.,Tandaan mo hindi mo kasalanan ang ipanganak ka ng mahirap,pero kung mamatay kang mahirap yun ay kasalanan mo na,,Masarap mabuhay sa mundo lalo na kung maganda ang buhay..di ba?Totoong hindi lang pera nakapag papaligaya sa tao pero kung wala ka nito malaki ang epekto sa mga mahal mo sa buhay.ako po bilang isang ama ,isang magulang gusto ko pong maibigay sa mga anak ko ang the best ganyan tayong mga magulang.ok by this thank you po sa time salamat po and God bless all...


    

No comments:

Post a Comment